|
||||||||
|
||
Nitong 7 taong nakalipas sapul nang pasinayaan ang Tianjin Eco-city, isa sa tatlong Government-to-Government (G2G) programs ng Tsina at Singapore, sa kasalukuyan, sumasaklaw ito ng 12 kilometro kuwadrado na may populasyong 20,000.
Larawan ng Tianjin Eco-city (Photo credit: Tianjin Eco-city official website http://www.tianjinecocity.gov.sg/index.htm)
Mahigit 2,300 bahay-kalakal ang nakabase ngayon sa siyudad na ito. Karamihan sa mga ito ay hi-tech at creative enterprises.
Para mapaginhawa ang paninirahan ng mga residente, ang mga kindergarten, paaralan, shopping center at ospital ay wala pang 500 metro ang layo mula sa alinmang tahanan.
Ayon sa plano, sa 2018, inaasahang lalaki ang sasaklaw sa 30 kilometro kuwadrado na may populasyon ng 350,000.
Pinasinayaan Enero 8, 2016, ang China-Singapore (Chongqing) Demonstration Initiative on Strategic Connectivity, ikatlong G2G ng Tsina at Singapore, sa Chongqing, lunsod sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Ang unang G2G Project ng dalawang bansa ay Suzhou Industrial Park (SIP) na itinatag noong 1994 sa Jiangsu Province sa dakong silangan ng Tsina.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |