|
||||||||
|
||
Seremonya ng inaugurasyon ng China-Singapore (Chongqing) Demonstration Initiative on Strategic Connectivity, ikatlong kooperatibong proyektong pampamahalaan sa pagitan ng Tsina at Singapore, na nilahukan ng mga kinatawan ng dalawang bansa. Enero, 8, 2016. (Photo Credit: Xinhua)
Sa seremonya ng inaugurasyon, nilagdaan ng mga bahay-kalakal na Tsino at Singaporeano ang mga kontrata na nagkakahalaga ng 6.56 na bilyong dolyares.
Seremonya ng paglalagda ng unang batch ng kontrata ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Singapore sa inaugurasyon ng China-Singapore (Chongqing) Demonstration Initiative on Strategic Connectivity, ikatlong kooperatibong proyekto sa pagitan ng dalawang pamahalaan Enero, 8, 2016. (Photo Credit: Xinhua)
Apat na aspekto na kinabibilangan ng serbisyong pinansyal, abiyasyon, logistics at information technology ang tampok sa nasabing bagong proyekto ng Tsina at Singapore.
Kabilang sa mga konkretong proyekto sa mga nabanggit na kontrata ay pagbubukas ng isang sentro ng cross-border financial settlements at financing sa Chongqing. Kasabay nito, bubuksan din ang mas maraming linyang panghimpapawid sa pagitan ng Chongqing at Singapore. Dagdag pa riyan, isang logistics company ng Singapore ang magbubukas ng warehouse base sa Chongqing.
Ipinatalastas ng Tsina at Singapore ang proyektong ito nang dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Singapore noong Nobyembre, 2015.
Ang unang dalawang G-to-G Projects sa pagitan ng Tsina at Singapore ay Suzhou Industrial Park na itinatag noong 1994 sa Jiangsu Province sa dakong silangan ng Tsina, at Tianjin Eco-city na pinasinayaan noong 2008 sa port city ng Tianjin sa dakong hilaga ng Tsina.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |