Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag sa Moscow noong Martes, Enero 12, 2016, ni Lin Yifu, bantog na ekonomista at propesor ng Beijing University, na sa hinaharap, hindi babagsak ang kabuhayang Tsino, at patuloy na magkakaloob ang Tsina ng puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Mula Enero 13 hanggang 15, 2016, ginanap sa Moscow ang 2016 Gaidar Forum. Sa isang news briefing, sinabi ni Lin Yifu na noong isang taon, ang iba't-ibang index ng kabuhayang Tsino ay nakaabot sa inaasahang lebel, at umabot sa 2.5% ang inflation rate ng bansang ito. Aniya, noong isang taon, lumaki ng halos 7% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino kumpara sa taong 2014, at kapareho ito ng inaasahang target ng bansa. Ang kabuhayang Tsino ay katumbas ng 14% ng kabuuang bolyum ng kabuhayang pandaigdig, at umabot sa mahigit 30% ang contribution rate nito sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, aniya pa.
Salin: Li Feng