Magtatapos ang taong 2015, at abala-abalang isinasagawa ang estadistika hinggil sa makro-ekonomya ng Tsina sa ika-4 na kuwarter. Binibigyang-pansin ng buong daigdig ang ilalabas na taunang datos ng kabuhayang Tsino at direksyon ng patakarang pangkabuhayan sa taong 2016.
Kamakailan, sinulat ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang artikulong pinamagatang "Blueprint ng Kabuhayang Tsino," na inilathala sa "The Economist" ng Britanya. Inilahad ni Li ang direksyon ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa taong 2016. Samantala, ipinahayag ni Punong Ministro Narendra Modi ng India na ito'y nag-iwan ng malalim na impresyon sa kanya.
Ang artikulo ni Li ay naglalayong tugunan ang alinlangan ng mga dayuhang bansa sa kabuhayang Tsino, at pawiin ang duda ng komunidad ng daigdig sa prospek ng kabuhayang Tsino.
Ipinalalagay ni Premyer Li na ang puwersa sa pagsasama-sama ng reporma, pagbubukas, at kooperasyong pandaigdig ay nukleong elemento ng paglaki ng kabuhayang Tsino. Kaya, patuloy na palalalimin ng Tsina ang reporma, palalawakin ang pagbubukas sa labas, at palalakasin ang pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan.
Salin: Li Feng