Sa "Ulat hinggil sa Kalagayan at Prospek ng Kabuhayang Pandaigdig sa 2016" na isinapubliko kahapon ng United Nations (UN), tinukoy nito na bagama't kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig ang mga kahirapang gaya ng di-matatag na makro-ekonomy, at pagbaba ng presyo ng bulk stock, may pag-asa pa ring manununbalik ang kabuhayang pandaigdig sa loob ng darating na dalawang taon.
Ibinaba nang 0.4% ng naturang ulat ang naunang pagtaya ng UN sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa taong 2015. Ayon sa ulat na ito, umabot sa 2.4% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon. Kabilang dito, tinatayang umabot sa 6.8% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino.
Nanawagan din ang ulat sa komunidad ng daigdig na ibayo pang pabutihin ang pagkokoordinahan para mapababa ang walang-katatagan ng kabuhayan at pagbabago ng sistemang pinansyal.
Salin: Li Feng