Ipinahayag ng mga mataas na opisyal ng Unyong Europeo (EU) na kinakaharap nito ang krisis ng refugees at sa taong 2016, dapat isakatuparan ang mga hakbangin na itinakda noong 2015 para lutasin ang krisis na ito.
Itinaguyod kahapon ng European Commission ang espesyal na pulong para tasahan ang mga patakaran sa paghawak ng isyu ng mga refugees noong taong 2015.
Ipinahayag ni Frans Timmermans, Unang Pangalawang Pangulo ng European Commission, na upang lutasin ang krisis ng refugees sa taong 2016, dapat isakatuparan muna ng mga kasaping bansa ng EU ang mga narating na kasunduan na gaya ng pagtatatag ng mga tuluyan sa hanggahan ng mga bansa, at mahigpit na pagsasagawa ng pag-scan ng mga fingerprint ng mga refugees.
Bukod dito, sinabi niyang dapat pahigpitin ang sistema ng pagpasok ng mga refugees para pabalikin ang mga tao na hindi karapat-dapat na pagpasok sa EU.
Umaasa aniya siyang isasagawa ng EU ang kooperasyon sa ibang mga bansa para lutasin ang pinag-uugatan ng pagpasok ng mga refugees.