|
||||||||
|
||
Ipinasiya kahapon ng Eurogroup na tanggihan ang kahilingan ng Greece hinggil sa pagpapalugit ng taning sa umiiral na financial assistance arrangement sa bansang ito.
Ayon sa itinakdang agenda, ang naturang kasunduan ay matatapos sa huling araw ng buwang ito.
Nauna rito, iminungkahi ni Punong Ministro Alexis Tsipras ng Greece na idaos sa ika-5 ng darating na Hulyo ang reperendum hinggil sa joint proposals na nakatakdang lagdaan ng pamahalaan ng bansang ito at mga pandaigdigang creditors. Bukod dito, umaasa rin siyang palulugitan nang ilang araw ang kasalukuyang financial assistance arrangement.
Sa news briefing pagkatapos ng pulong ng mga Ministrong Pinansiyal ng Eurogroup, sinabi ni Jeroen Dijsselbloem, Presidente ng Eurogroup, na ikinalulungkot niya ang mga mungkahi ng Greece.
Sinabi pa niyang matatapos ang lahat ng mga hakbanging pantulong sa Greece pagkatapos ng nakatakdang panahon ng naturang kasunduan.
Dagdag pa niya, patuloy na tatalakayin ng Eurogroup ang mga susunod na hakbangin para maigarantiya ang katatagan at kabuuan ng Euro Zone.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |