Ayon sa Xinhua News Agency, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinalabas noong Huwebes, Enero 14, 2016, ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (EU) ang pahayag bilang pagkondena sa insidente ng pagsabog na naganap nang araw ring iyon sa Jakarta, kabisera ng Indonesia.
Ipinahayag din ni Ban ang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima sa nasabing insidente. Umaasa aniya siyang mabibigyang-parusa ang mga may kagagwan sa lalong madaling panahon.
Ayon sa panig pulisya ng Indonesia, kasabwat ang "Islamic State (IS)" sa nasabing insidente.
Salin: Li Feng