Bago isagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw pang-esdato sa Saudi Arabia, ipinahayag ni Li Chengwen, Embahador Tsino sa nasabing bansa, na mabilis ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sapul nang itatag ang kanilang opisyal na relasyong diplomatiko. Aniya pa, maganda rin ang kasalukuyang kalagayan sa pulitika, kabuhayan, kalakalan at kultura.
Sinabi ni Li na madalas ang pagdadalawan ng dalawang bansa sa mataas na antas. Ito ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga at malakas na hangarin ng dalawang bansa sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon, dagdag niya.
Sinabi rin niyang ang Saudi Arabia ay pinakamalaking trade partner ng Tsina sa Kanlurang Asya at rehiyong Aprikano, at ang Tsina naman ay ikalawang pinakamalaking trade partner ng Saudi Arabia.
Kaugnay ng kinabukasan ng relasyon ng Tsina at Saudi Arabia, sinabi ni Li na dapat itatag ng dalawang bansa ang isang magandang modelo sa maharmonyang pakikipamuhayan ng nagkakaibang sibilisasyon.
Bukod dito, sinabi ni Li na dapat isagawa ng dalawang bansa ang malalim na kooperasyon sa paglaban sa terorismo at ekstrimismo, industriya, at enerhiya, para isakatuparan ang komong pag-unlad ng kabuhayan ng dalawang bansa.