|
||||||||
|
||
Sa bisperas ng Bagong Taon 2016, isang mensaheng Pambagong Taon ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pamamagitan ng China Radio International (CRI), China National Radio (CNR) at China Central Television (CCTV). Narito po ang buong teksto ng pagbati ni Pangulong Xi:
Pangulong Tsino, nagpahayag ng bating Pambagong Taon para sa 2016
|
Mga binibini at ginoo, mga kasamahan at kaibigan:
Tutunog ang kampana para sa bagong taon sa loob ng ilang oras. Matatapos ang taong 2015 at papasok naman ang taong 2016. Sa panahon ng pamamaalam sa lumang taon at pagsalubong sa bago, umaasa akong makakaabot ang aking bating Pambagong Taon sa mga mamamayan ng lahat ng mga grupong etniko ng Tsina, mga kababayan sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macau (MacauSAR), mga kababayan sa Taiwan, mga Tsino sa ibayong dagat, at mga kaibigan mula sa iba't ibang bansa at rehiyon ng daigdig.
Kung walang tiyaga, walang nilaga. Sa taong 2015, maraming pagsisikap ang ginawa ng mga mamamayang Tsino, at maraming bunga ang ating natamo. Patuloy na nananatili sa unang hanay ang paglaki ng kabuhayang Tsino, at komprehensibong napasulong ang iba't ibang reporma. Patuloy na lumalim ang reporma sa sistemang hudisyal, bumuti ang kalagayang pampulitika dahil sa kilusang "Three Stricts and Three Steadies," at sumulong din ang paglaban sa korupsyon. Sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng iba't ibang grupong etniko ng Tsina, matagumpay na naipatupad ang ika-12 panlimahang taong plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at nakinabang dito ang mga mamamayan.
Sa taong ito, sa pamamagitan ng maringal na parada, ginunita natin ang ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino Laban sa Pananalakay ng Hapon, at Ika-2 Digmaang Pandaigdig. Ipinakita nito ang katotohanan ng pananaig ng katarungan, kapayapaan, at mga mamamayan. Isinagawa natin ang komprehensibong reporma sa sandatahang lakas, at ipinatalastas ang pagdidis-arma sa 300 libong sundalo. Kinatagpo ko sa Singapore si Ma Ying-jeou, at ito ang kauna-unahang pagtatagpo ng mga lider ng magkabilang pampang, nitong 66 na taong nakalipas. Ipinakita nito, na ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ay komong hangarin ng mga kababayan ng magkabilang pampang.
Sa taong ito, nakuha ng Beijing ang karapatan sa pagho-host ng Ika-24 na Winter Olympics; inilagay ang RMB sa Special Drawing Rights Basket ng International Monetary Fund (IMF); natapos ang pagkakabit-kabit ng C919, malaking eroplanong pampasahero na sariling idinisenyo ng Tsina; nananatiling pinakamabilis na computer sa daigdig ang super computer ng Tsina nitong nakalipas na 6 na taong singkad; inilunsad ng Tsina ang sarilinang sinubok-yaring dark matter particle explorer satellite; at ginawaran ng Nobel Prize for Medicine, si Tu Youyou bilang kauna-unahang siyentistang Tsino na nakakuha ng gantimpalang ito. Ipinakita ng mga itong kung walang humpay na magsisikap, maisasakatuparan ang mga pangarap.
Sa taong ito, naranasan din natin ang mga tradedya. Nasawi ang maraming kababayan natin sa paglubog ng "Eastern Star" passenger ship, malaking sunog at pagsabog sa Tianjin Port, pagguho ng dump site sa Shenzhen, at iba pang kalamidad. Ikinatatakot din natin ang walang-habag na pagpatay ng mga terorista sa ating mga kababayan. Naaalaala natin ang mga nasawi; ipinapanalangin ang mga namatay, at sana'y maging mabuti ang kalagayan ng mga buhay. Bilang tugon naman sa mga umiiral pa ring kahirapan at kaguluhan sa pamumuhay ng mga mamamayan, patuloy na magsisikap ang partido at pamahalaan ng Tsina, para sa kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan, mabuting pamumuhay, at kanilang kalusugan.
Mga binibili, ginoo, mga kasamahan at kaibigan,
Ang taong 2016 ay masusing taon para sa pagtatayo ng Tsina ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas. Sa Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, itinakda ang pangkalahatang plano hinggil sa pag-unlad ng Tsina sa darating na limang taon. Maganda ang prospek, pero hindi matatamo ang kaligayahan kung walang pagpupunyagi. Sa pamamagitan ng malakas na kompiyansa, patuloy tayong magsisikap, para isakatuparan ang inobatibo, kooridinado, sustenable, bukas, at may-pagbabahaginang pag-unlad. Puspusan din nating pasusulungin ang mga usaping gaya ng repormang pang-estruktura, reporma at pagbubukas sa labas, pagkakapantay-pantay at katarungan ng lipunan, magandang administrasyon sa pulitika, at iba pa. Ito ay para magbigay ng mabuting simula sa masusing yugto ng pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas.
Ang may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas ay itatayo para sa lahat ng mahigit sa 1.3 bilyong mamamayang Tsino. Laging nasa isip ko kung papaano pabutihin ang pamumuhay ng milyun-milyong mahihirap sa kanayunan. Iniharap natin ang target ng paglipol sa kahirapan. Magsisikap kaming lahat sa usaping ito, para makahulagpos sa karalitaan ang lahat ng mga mahihirap sa kanayunan, alinsunod sa nakatakdang plano. Dapat ipakita ang pagmamahal at kalinga sa lahat sa mahihirap, para maramdaman nila ang init sa kanilang puso.
Mga binibili, ginoo, mga kasamahan at kaibigan,
Iisa lamang ang planetang Mundo, at ito ay tahanan ng lahat ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Sa taong ito, dumalo ang mga lider Tsino sa maraming pandaigdig na pulong, at nagsagawa ng maraming diplomatikong aktibidad. Pinasulong natin ang Belt and Road Initiative, at lumahok din sa mga suliraning pandaigdig na gaya ng United Nations 2030 Sustainable Development Agenda at paglaban sa pagbabago ng klima. Sa harap ng maraming problema sa daigdig, kinakailangan ng komunidad ng daigdig ang mga palagay at plano ng Tsina, at hindi dapat maging bulag ang Tsina sa mga ito. Para sa mga taong nasasadlak sa kahirapan at digmaan, dapat ipakita natin ang pakikiramay, at mas mahalaga, na dapat isabalikat natin ang sariling responsibilidad at isagawa ang mga aktuwal na aksyon. Bukas ang Tsina sa daigdig, at magbibigay-tulong ito hangga't makakaya sa mga taong naghihirap. Gusto nating maging kaibigan ang mas maraming bansa.
Taos-puso akong umaasang magsisikap ang komunidad ng daigdig, para dagdagan ang katahimikan at pagtutulungan, at bawasan ang komprontasyon at hidwaan. Magkakasama nating itayo ang komunidad ng pagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Salamat sa inyong lahat!
Mga giliw na tagasubaybay, iyan po ang mensaheng Pambagong Taon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ipinalabas sa pamamagitan ng China Radio International, China National Radio, at China Central Television. Salamat, at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |