Ayon sa Xinhua News Agency, binuksan sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang ng Tsina, Miyerkules ng umaga, Disyembre 16, 2015, ang Ika-2 World Internet Conference. Dumalo at bumigkas ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Binigyang-diin niyang ang internet ay parang komong lupang tinubuan ng buong sangkatauhan. Dapat aniyang magkakasamang itatag ng iba't-ibang bansa ang Network Space Destiny Community, at pasulungin ang konektibidad ng network space. Ito ay naglalayong makalikha ng mas magandang kinabukasan para sa sangkatauhan.
Tungkol dito, iniharap ng Pangulong Tsino ang limang (5) mungkahi. Una, dapat pabilisin ang konstruksyon ng imprastruktura ng network sa buong daigdig, at pasulungin ang konektibidad para makapagtamasa ang mas maraming umuunlad na bansa at mga mamamayan ng pagkakataon dulot ng internet. Ikalawa, dapat itatag ang plataporma ng pagpapalitan ng kultura sa network para mapasulong ang pagpapalitan at karanasan. Ikatlo, dapat pasulungin ang inobasyon at pag-unlad ng network economy at pasulungin ang komong kasaganaan. Ikaapat, dapat pangalagaan ang seguridad sa network, at pasulungin ang maayos na pag-unlad ng internet. Dapat ding pasuluingin ang pagbalangkas ng pandaigdigang regulasyon tungkol sa network space na katanggap-tanggap sa iba't-ibang panig para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ng espasyong ito. Ikalima, dapat itatag ang sistema ng pagsasaayos ng internet at pasulungin ang pagkakapantay-pantay at katarungan.
Ang naturang pulong ay gaganapin mula ngayong araw hanggang samakalawa. Dumalo rito ang halos 2,000 panauhing kinabibilangan ng mga kinatawan ng pamahalaan, namamahalang tauhan ng organisasyong pandaigdig, mga puno ng bahay-kalakal ng internet, bantog na mangangalakal, iskolar at dalubhasa mula sa mahigit 120 bansa't rehiyon.
Salin: Li Feng