|
||||||||
|
||
Enerhiya, imprastruktura, kabuhaya't kalakalan, at kalawakan: tampok ng pagtutulungan
Ayon sa komentaryo ng People's Daily, diyaryo na may pinakamalaking sirkulasyon sa Tsina, ang layunin ng gagawing biyahe ni Pangulong Xi ay para mapasulong ang pagtutulungan ng Tsina at nasabing mga bansa sa mga larangang gaya ng enerhiya, imprastruktura, pagpapaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan, at kalawakan, sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Ang Belt and Road Initiative ay pinaikling termino ng land-based Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Iniharap ng Tsina ang nasabing inisyatibo para mapasulong ang komong kaunlaran.
Arab Policy Paper
Noong Enero 13, 2016, inilabas ng Tsina ang Arab Policy Paper, kauna-unahang ganitong dokumento ng Tsina.
Upang mapasulong ang pagtutulungan ng Tsina at mga bansang Arabe, nasasaad sa papel ang limang pangunahing larangang pangkooperasyon na kinabibilangan ng pulitika, pamumuhunan at kalakalan, kaunlarang panlipunan, kultura at people-to-people exchanges, kooperasyong pangkapayapaan at panseguridad.
Full text ng China's Arab Policy Paper (sa wikang Ingles, source: Xinhua)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |