Ipinahayag sa Beijing noong Huwebes, Enero 14, 2016, ni Li Shaoxian, Pangalawang Puno ng China Institutes of Contemporary International Relations (CICIR), na ang "One Belt One Road" initiative ay nakakatulong sa pagpapanumbalik ng kabuhayan, at pangangalaga sa katatagang panrehiyon ng mga bansa sa Gitnang Silangan.
Sinabi niya na masalimuot ang kasalukuyang kalagayan ng nasabing rehiyon, at sa ilalim ng kalagayang ito, unti-unting lumilitaw ang ginagawang papel ng Tsina sa paglutas sa ilang problema sa rehiyong ito. Bilang pirmihang kasaping bansa ng United Nations (UN), nakahanda ang Tsina na patingkarin ang mas malaking papel sa rekonstruksyong pulitikal at pagbabagong pulitikal at ekonomiko sa Gitnang Silangan, dagdag pa niya..
Salin: Li Feng