Ipinahayag kamakailan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kahandaan ng kanyang bansa na makipagtulungan sa mga bansa sa Gitnang Silangan, hindi lamang sa larangang pangkabuhayan, kundi maging sa mga larangang pulitikal, panseguridad,at militar.
Sa isang eksklusibong panayam sa Al Jazeera, ipinahayag ng ministrong Tsino na nitong ilang taong nakalipas, ang larangang pangkabuhayan ang pokus ng pagtutulungan ng Tsina at mga bansang Arabe. Ipinalalagay aniya ng Tsina, na ang pundasyon at susi ng paglutas sa mga isyu ay nababatay sa pag-unlad ng kabuhayan at sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Idinagdag pa ni Wang, na batay sa pagtutulungang pangkabuhayan, tumitingkad ang papel ng Tsina sa pagtutulungang pampulitika. Halimbawa, maraming ginagawa ang Tsina para mapasulong ang paglutas sa isyu ng Palestina at Israel.
Salin: Jade