|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur (KL), Malaysia-- Sinipi nitong nagdaang Linggo, Enero 17, 2016, ni Federal Territories Minister Tengku Adnan Tengku Mansor ng Malaysia ang isang intelligence report na nagsasabing ilang lugar sa KL na kinabibilangan ng Bangsar, Hartamas, Publika, The Curve, Bukit Bintang at KL Tower ay nagiging terrorist hotspots.
Popular na lugar-libangan, shopping place at lugar-panturismo ang nasabing mga lugar.
Idinagdag pa ng nasabing ministrong Malay na pinahihigpit na ang hakbanging panseguridad sa nasabing mga lugar.
4 na suspek na may kaugnayan sa IS, naaresto
Ayon naman sa pahayag noong nagdaang Sabado, Enero 16, ng Kapulisan ng Malaysia, inaresto nito ang apat na kataong pinaghihinalaang may kaugnayan sa Islamic State (IS).
Isa sa mga suspek ang naaresto sa Light Rail Transit (LRT) station sa KL. Ang tatlong iba pa ay dinakip nang bumalik sila sa Malaysia makaraang pauwiin ng Turkey.
Pinakamataas na lebel ng alerto
Bunsod ng serye ng pambobomba at pamamaril na naganap noong nagdaang Huwebes, Enero 14, sa Jakarta, Indonesia, itinaas ng kapulisan ng Malaysia ang alerto sa pinakamataas na lebel bilang tugon sa bantang teroristiko.
Naganap ang trahediya sa Jakarta noong umaga ng Huwebes, Enero 14, 2016. Ikinamatay ito ng 7 katao at ikinasugat ng humigit-kumulang 20 iba pa.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |