Ayon sa Xinhua News Agency ng Tsina, sapul noong 2011 hanggang 2015 (Ika-12 Panlimahang-taong Plano sa Kaunlarang Panlipunan at Pangkabuhayan ng Tsina), napabilis ang pagtatatag sa bansa ng high speed railway network, na binubuo ng apat na linya mula gawing kahilagaan tungo sa katimugan, at apat naman mula silangan tungo sa kanluran.
Ayon pa sa nasabing news agency, hanggang katapusan ng 2015, umabot sa 19 libong kilometro ang naisaoperasyong high-speed railway ng bansa. Ito ay nasa unang puwesto sa daigdig, dagdag pa ng naturang ahensiya.
Ayon pa sa Xinhua, umabot sa 3.58 trilyong RMB ang kabuuang halaga ng railway fixed assets ng Tsina, noong panahon ng ika-12 Panlimahang-taong Plano. Ito ay mas malaki ng 47.3% kumpara sa ika-11 Pamlimahang-taong Plano, ayon pa sa Xinhua. Samantala, lumampas din sa 30 libong kilometro ang haba ng mga naisaoperasyong bagong linya ng daambakal, na mas mahaba ng 109% kumpara sa ika-11 Panlimihang-taong Plano. Dagdag ng Xinhua, ang mga ito ay lumikha ng pinakamataas na rekord sa kasaysayang pandaambakal ng bansa.