Ipinahayag nitong nagdaang Miyerkules, Disyembre 16, 2015, ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar na magsisikap siya para pasimulan ang pambansang diyalogong pulitikal na pangkapayapaan sa unang linggo ng Enero, 2016.
Pinagtibay nang araw ring iyon ng Komiteng Tagapagsuperbisa sa Magkasanib na Tigi-putukan ng Myanmar ang balangkas na kasunduan ng pambansang diyalogong pulitikal na pangkapayapaan.
Noong ika-15 ng Oktubre, nilagdaan ng pamahalaan at mga sandatahang lakas ng walong grupong etniko ang kasunduan ng tigil-putukan. Ayon sa kasunduan, dapat marating ng nasabing mga panig ang balangkas ng kasunduan hinggil sa diyalogong pulitikal sa loob ng 60 araw at sa loob ng 90 araw naman, dapat pasimulan ang diyalogong pulitikal.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio