|
||||||||
|
||
Nay Pyi Taw, Myanmar—Idinaos nitong nagdaang Miyerkules, Disyembre 16, 2015, ang unang pulong na pangkoordinasyon hinggil sa paglilipat ng kapangyarihan sa Myanmar. Si Aung San Suu Kyi, Chair ng National League for Democracy (NLD) ay nangulo sa nasabing pulong. Nanalo ang NLD sa pambansang halalan noong nagdaang Nobyembre.
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa paghahanda para sa paglilipat ng kapangyarihan, at ipinasiya nilang idaos ang kaukulang regular na pulong tatlo o apat na beses isang linggo.
Kabilang sa mga kinatawan mula sa pamahalaan ay sina Presidential Spokesman Ye Htut; Maung Maung Ohn, Deputy Director-General ng Construction Ministry; at Zaw Htay, Director of the President's Office. Samantala, ang mga representante mula sa NLD ay sina U Win Htein, miyembro ng NLD Central Executive Committee, Dr. Myo Aung at dating Rector ng Yangon University Rector na si Dr. Aung Thu.
Makaraang manalo ang NLD sa halalan noong ika-8 ng Nobyembre, kapuwa nagpahayag ng suporta ang pamahalaan at militar kay Suu Kyi at NLD kaugnay ng maalwang paglilipat ng kapangyarihan.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |