Kahapon Enero 21, 2016, sa kanyang mensaheng pambati kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, positibo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa sinimulang pagtatatag ng high speed railway sa pagitan ng Jakarta at Bandung.
Tinukoy ni Pangulong Xi na bilang bunga at bagong pagsisimula sa pragmatikong estratehikong kooperasyon ng Tsina at Indonesia, ang pagtatatag ng naturang daambakal ay nagiging huwaran para pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, lalo na sa larangan ng imprastruktura at produktibong kakayahan.
Nang araw ring iyon, bilang sugo ng Pangulong Tsino, dumalo si Wang Yong, Kasangguni ng Estado ng Tsina, kasama ni Pangulong Joko Widodo sa seremonya ng inagurasyon ng nasabing proyekto.