Ayon sa China Railway Corporation(CRC), idinaos kahapon, Enero 21, 2016 sa Jakarta, Indonesia ang seremonya ng inagurasyon ng railway joint venture project ng Tsina at Indonesia. Ayon sa CRC, hindi lamang ito bungang pangkooperasyon ng dalawang bansa, kundi ito rin ay magandang simula sa pagpapaplano ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng daambakal sa ibayong dagat, sa taong 2016.
Sinabi pa ng CRC, na bilang kauna-unahang high speed railway sa Indonesia, umabot sa 150 kilometro ang haba nito, mula Jakarta tungo sa Bandung. Aabot sa 350 kilometro, kada oras ang pinakamabilis na takbo ng naturang daambakal, at tatagal ng 3 taon ang konstruksyon ng proyektong ito. Anito pa, mapapaikli hangggang sa 40 minuto ang biyahe mula Jakarta tungo sa Bandung, mula sa mahigit 3 oras.