|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng "People's Daily," ipinahayag kahapon, Enero 26, 2016, ni Ahmad Zahid Hamidi, Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia, na itatatag ng kanyang bansa ang kauna-unahang Sentro ng Impormasyon ng Paglaban sa Terorismo para mabigyang-dagok ang marahas na ekstrimismo sa cyberspace.
Ayon sa ulat, may pag-asang maisasaoperasyon ang naturang sentro sa unang araw ng darating na Mayo. Nakalikom na ang Pamahalaang Malay ng halos 47 milyong dolyares na pondo para rito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |