Ayon sa Ministri ng Mga Suliraning Sibil ng Singapore nitong Miyerkules, ika-20 ng Enero, 2016, inaresto nauna rito ng departamento ng seguridad ng bansa ang 27 Bengali na pinaghihinalaang nagsagawa ng teroristikong aktibidad.
26 sa kanila ang ibinalik na sa Bangladesh. Inaresto at nilitis ang isa pa, habang nagtatangka siyang tumakas. Ibabalik siya pagkatapos ng pagbibilanggo. Ang nasabing mga Bengali ay miyembro ng isang lihim na ekstrimistang organisasyon. Nagtangka ang ilang miyembro ng organisasyong ito na magsagawa ng teroristikong pang-atake sa ibang bansa liban sa Singapore.
Ayon sa ulat ng local media, noong 2015, di-kukulangin sa 5 mamamayan ng Singapore ang pinigil dahil pinaghihinalaan silang nagsagawa ng teroristikong aktibidad.
Salin: Vera