Ayon sa Xinhua News Agency, ipinalabas ngayong araw, Enero 27, 2016, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "China's Nuclear Emergency Preparedness." Ito ang kauna-unahang white paper ng Tsina sa larangang nuklear.
Anang white paper, ang pag-unlad ng enerhiyang nuklear ay kasabay ng panganib at hamon sa seguridad na nuklear. Anito, kung talagang nais mas mainam na gamitin ang enerhiyang nuklear at maisakatuparan ang mas malaking pag-unlad, dapat baguhin ang teknolohiyang nuklear, igarantiya ang seguridad na nuklear, at pabutihin ang gawain hinggil sa nuclear emergency preparedness.
Dagdag pa nito, sa mula't mula pa'y ipinauna ng Tsina ang seguridad na nuklear sa usapin ng mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear. Itinataguyod anito ng Tsina ang paninindigan sa ligtas na nuklear na may uliran, nagsasanggunian, at komong pagsulong.
Nitong ilang taong nakalipas, sa mga aspektong gaya ng pagbalangkas ng mga may-kinalamang batas at regulasyon, konstruksyon ng sistema at mekanismo, pagsasanay ng mga propesyonal na talento, koordinasyong pampubliko, at pandaigdigang kooperasyon at pagpapalitan, natamo ng Tsina ang napakalaking progreso.
Salin: Li Feng