Nagtagpo kahapon, Enero 27th, 2016, sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Sinabi ni Xi na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa kapakanan ng dalawang bansa at komunidad ng daigdig. Sinabi rin niyang dapat patuloy na isakatuparan ng dalawang panig ang mga narating na kooperasyon, igiit ang prinsipyo ng di-pagsasagupaan, di-pagkokomprontasyon, paggalangan sa isa't isa at win-win situation, at pananatilihin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Kerry na mahalaga ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Amerika na ibayo pang pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa at buong sikap na pahigpitin ang kanilang mga kooperasyon sa mga isyung pandaigdig.