US AMBASSADOR GOLDBERG DUMALO SA TALAKAYAN. Ipinakikilala ng mamamahayag na si Wilson Lee Flores (kaliwa) si US Ambassador Philip Goldberg (kanan) sa pagsisimula ng talakayan sa Kamuning Bakery. Ayon sa American ambassador, kailangan ang pinag-isang tugon ng mga pamahalaan laban sa terorismo. (Melo M. Acuna)
SINABI US Ambassador Philip Goldberg na nahaharap ang daigdig mula sa panganib na idudulot ng mga terorista. Nakikita na rin ang mga ito sa pamamagitan ng social media.
Inalis na ng Estados Unidos ang kanilang mga tauhang nagmamatyag sa mga bantog na terorista sa Pilipinas noong Mayo ng 2015 sapagkat naniniwala silang kaya na ng mga Filipino na masugpo ang anumang panganib. May kakayahan na ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na labanan ang mga panganib.
May kasunduan pa ring namamagitan sa Pilipinas at Estados Unidos sa paglaban sa terorismo sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga impormasyon. Hindi pa rin nawawala ang panganib mula sa mga terorista.
Kailangan lamang maiwasan ang makapasok pa ang bantang maidudulot ng mga grupong kabilang sa ISIS o Islamic State of Iraq and Syria.