Ipinagkaloob kahapon ng Embahadang Tsino sa Syria ang mga materiyal na gaya ng cotton quilt at carpet sa mga refugees sa Jaramana ng Damascus, kabisera ng Syria, para tulungan silang makaalpas sa taglamig.
Sinabi ni Wang Kejian, Embahador Tsino, na dahil hindi pa tapos ang malubhang taglamig sa Syria, nakahanda ang panig Tsino na tulungan ang mga refugees sa bansang ito.
Sinabi pa ni Wang na matamang sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayang humanitaryan sa Syria at palagiang sinusulung ang paglutas sa isyu ng bansang ito sa paraang pulitikal.