Idinaos sa Geneva, Switzerland kahapon, Enero 31, 2016 ang di-pormal na pag-uusap sa pagitan ng United Nations (UN) at oposisyon ng Syria. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa bagong round ng talastasang pangkapayapaan ng ibat-ibang panig sa bansang ito.
Pagkatapos ng pag-uusap, ipinahayag ni Staffan de Mistura, Sugo ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa Isyu ng Syria, na optimistiko siya sa kasalukuyang talastasan.
Nauna rito, ipinahayag din sa Geneva ni Salem el-Meslet, Tagapagsalita ng delegasyon ng oposisyon sa nasabing talastasan, na kung hindi itatakwil ng pamahalaan ang isinasagawang pagkubkob at pagbomba sa mga lugar na kontrolado ng oposisyon, at hindi palalayain ang mga nabilanggo sa dahilang pampulitika, hindi sila sasapi sa naturang talastasan. Ito aniya'y nagpapakitang kulang ang pamahalaan sa katapatan, sa usaping ito.