Ang Zigong ay tinatawag na "lunsod ng parol sa katimugan ng Tsina." Katangi-tangi at may mahabang kasaysayan ang lantern festival nito. Nitong nakalipas na ilang taon, itinanghal ang Zigong Lantern Festival sa iba't ibang lugar ng Tsina at mahigit 40 bansa at rehiyon sa buong mundo. Nagsilbi itong mahalagang plataporma ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Sa kasalukuyang lantern festival, ginagamit, sa kauna-unahang pagkakataon, ang modelo ng "Zigong Lantern Festival Plus," at itinatampok ang kapuwa kulturang silanganin at kanluranin. Halimbawa, sa isang 7 libong metro kuwadrado na French Style Square, makikita ninyo ang Arch of Triumph, Louvre, at Eiffel Tower. Maeenjoy rin ng mga bisita ang mga komposisyon mula sa Lyon International Lantern Festival na idinisenyo ng mga artistang Pranses.
1 2 3