|
||||||||
|
||
Rescue work, isinasagawa sa isang nawasak na gusali
Niyanig kaninang madaling araw, Sabado, ika-6 ng Pebrero 2016, ng malakas na lindol ang katimugan ng Taiwan. Hanggang sa kasalukuyan, nasawi ang 5 katao at nasugatan ang mahigit 300 iba pa. Nasira naman ang mahigit sa 10 pabahay.
Ayon sa China Earthquake Networks Center, 6.7 magnitude ang lindol na ito, at naramdaman ang pagyanig sa buong Taiwan.
Mga nawasak na gusali
Pagkaraang maganap ang lindol, nagpadala ng mensahe ang Association for Relations Across the Taiwan Straits ng mainland sa Straits Exchange Foundation ng Taiwan, bilang pagpapahayag ng pakikiramay at kahandaan sa pagbibigay-tulong. Nagkaloob naman ang China Red Cross Society sa panig Taywanes ng 2 milyong yuan RMB na tulong na pondo.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |