Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag ngayong araw, Enero 21, 2016, ni Ma Ying-jeou, Lider ng Awtoridad ng Taiwan, na dapat mataimtim na pangalagaan ang kalagayang pangkapayapaan at pangkasaganaan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Aniya, dapat igiit ng susunod na lider ng Taiwan ang "1992 Consensus," para mapangalagaan ang naturang kalagayan ng relasyon ng magkabilang pampang.
Sa kanyang talumpati nang araw ring iyon sa Taiwan World Economic Forum sa 2016, sinabi ni Ma Ying-jeou na ang mapayapang kapaligiran ay napakahalagang kondisyon para sa paglaki ng kabuhayan. Salamat sa "1992 Consensus," nitong walong (8) taong nakalipas, napangalagaan ang kapayapaan at kasaganaan ng magkabilang pampang.
Salin: Li Feng