Nag-usap kamakalawa sa telepono sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Sergei Lavrov ng Rusya.
Buong pagkakaisang ipinalalagay nila na sa taong 2016, dapat panatihilihin ng dalawang bansa ang madalas na pagdadalawan sa mataas na antas, pahigpitin ang mga estratehikong pag-uugnayan at kooperasyon para pangalagaan ang komong interes ng dalawang bansa.
Kaugnay ng isyung nuklear sa Korean Peninsula, ipinalalagay nila na hindi dapat isagawa ng mga may kinalamang panig ang mga bagong hakbangin para paigtingin ang tensyon sa rehiyong ito at mapanumbalik ang mga talastasan para lutasin ang isyung ito.
Kaugnay ng isyu ng Syria, ipinalalagay nila na dapat mataimtim na isagawa ng komunidad ng daigdig ang resolusyon bilang 2254 ng UN Security Council para lutasin ang isyung ito sa paraang pulitikal.