Nag-usap kahapon, Enero 13th, 2016, sa telepono sina Pangulong Barack Obama ng Amerika at kanyang counterpart na si Vladimir Putin ng Rusya, hinggil sa mga isyung pandaigdig na gaya ng isyu ng Ukraine, kalagayan ng Gitnang Silangan, at nuclear test ng Hilagang Korea.
Kaugnay ng isyu ng Ukraine, kapwa nila ipinahayag na dapat panatilihin ng dalawang bansa ang pag-uugnay hinggil sa isyung ito. Bukod dito, ipinahayag din nila ang pagkatig sa mungkahi ng United Nations (UN) na sa ika-25 ng Enero, idaraos sa Geneva ang talastasan sa pagitan ng pamahalaan at mga oposisyon ng Syria.
Kaugnay ng kalagayan sa Gitnang Silangan, nanawagan ang dalawang bansa na pahupain ang tension na dulot ng krisis ng bilateral na relasyon ng Saudi Arabia at Iran. Bukod dito, ipinalalagay din nilang dapat mapahupa ang madugong sagupaan sa Syria at ipagkaloob ang mga pangkagipitang makataong tulong sa mga sibilyan ng bansang ito.
Kaugnay ng isyu ng nuclear test ng Hilagang Korea, ipinalalagay ng dalawang bansa na ito'y malubhang lumabag sa mga resolusyon ng UN Security Council (UNSC).