Ayon sa mass media ng Rusya noong Sabado, Disyembre 26, 2015, napanumbalik ng Rusya ang pagbebenta ng S-300 Air Defense Missile System (ADMS) sa Iran. Ayon sa bagong kasunduang nilagdaan ng dalawang panig, ang halaga ng kasunduang ito ay nagkakahalaga ng 1 bilyong dolyares. Ayon sa pagtaya, sisimulang itutustos ng Rusya ang mga ito sa Iran sa Enero ng susunod na taon.
Ang S-300 ay sulong na ADMS ng hukbong Ruso. Noong 2007, nilagdaan ng Rusya at Iran ang kasunduan tungkol sa pagbebenta ng S-300, ngunit hindi pa isinagawa ang kasunduang ito. Noong taong 2010, ayon sa may-kinalamang resolusyon ng UN Security Council, ipinatalastas ng Rusya na isinuspendi ang pagbebenta ng mga modernong sandata sa Iran.
Pagkaraang matamo ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran ang progreso, noong Abril ng kasalukuyang taon, lumagda si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa kautusan na pawalang-bisa ang ban ng pagbebenta ng naturang ADMS sa Iran.
Salin: Li Feng