Kunming, Tsina--Ipinahayag kahapon ni Pinnat Charoenphol, Puno ng Tanggapan ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Thailand na tinatayang halos 300 libong turistang Tsino ang magpapalipas ng Spring Festival Season sa Thailand mula ika-7 hanggang ika-13 ng buwang ito.
Dagdag pa niya, ang naturang bilang ay lumaki ng 10% hanggang 13% kumpara sa taong 2015.
Bukod dito, ipinahayag din niyang sa susunod na yugto, buong sikap na pasusulungin ng kanyang bansa ang pag-unlad ng de-kalidad na pamilihang turismo para makatugon sa iba't ibang kahilingan ng mga turistang Tsino na gaya ng honey moon vacation, at diving.