Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Atchaka Sibunruang, Ministro ng Industriya ng Thailand, na ang konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative ay makakabuti upang makakuha ng pagkatig ang Thailand mula sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Ito ay para mapaunlad ang konstruksyon ng imprastruktura ng bansa, maging ng buong rehiyon ng ASEAN.
Ipinahayag niya na sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative, kabilang sa mga kooperasyon ng panig Tsino at Thai sa loob ng espesyal na rehiyong pangkabuhayan ng Thailand ay: pagpapabilis ng konstruksyon ng imprastruktura sa pagitan ng Tsina at Thailand; ibayo pang pagpapalalim ng upgraded version ng China-ASEAN Free Trade Agreement (CAFTA); at paglalagak ng mas maraming pamumuhunan ng Tsina sa mga industriya ng Thailand hinggil sa estratehikong pag-unlad.
Salin: Vera