Ayon sa ulat ng website ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, isiniwalat kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng Thailand na ipinatalastas ng Unyong Europeo (EU) ang pagsasaayos ng listahan ng mga paninda nasa ilalim ng Autonomous Tariff Suspension. Bunga nito, mahigit 2000 uri ng paninda ay makakapagtamasa ng preperensyang ito.
Ayon sa ulat, nagkabisa ang naturang kapasiyahan ng EU noong unang araw ng Enero, 2016. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga exporters ng Thailand sa pagsasagawa ng kanilang negosyo sa pamilihan ng EU.
Salin: Li Feng