Matinding kinondena kahapon ng UN Security Council (UNSC) ang paggamit ng Hilagang Korea ng teknolohiya ng ballistic missiles para ilunsad ang satellite.
Ayon sa pahayag ng UNSC, ang aksyon ng Hilagang Korea ay malaking tulong sa pag-unlad ng launch system ng mga sandatang nuklear. Ito ay lumabag sa mga may-kinalamang resolusyon ng UNSC at malubhang nagbanta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad, dagdag pa ng pahayag.
Bilang tugon sa aksyon ng Hilagang Korea, pagtitibayin ng UNSC ang bagong resolusyon sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag din ng UNSC na buong sikap na lulutasin ang isyung nuklear sa Korean Peninsula sa paraang diplomatiko at pulitikal.