Ayon sa Xinhua News Agency, kinumpirma kahapon, Pebrero 2, 2016, ni Farhan Haq, Pangalawang Tagapagsalita ng United Nations (UN), na ipinaalam na ng panig Hilagang Koreano sa may-kinalamang organo ng UN na ilulunsad nito ang isang satellite sa loob ng kasalukuyang buwan.
Ipinahayag ni Haq na mataimtim na sinusubaybayan ng UN ang pag-unlad ng pangyayaring ito, at pinanatili ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga may-kinalamang panig.
Noong Enero 6, idineklara ng Pamahalaang Hilagang Koreano ang pagsasagawa ng nuclear test. Sapul noong 2006, ito ang ika-4 na nuclear test ng naturang bansa. Mahigpit na kinondena ng komunidad ng daigdig ang aksyong ito ng Hilagang Korea.
Salin: Li Feng