Ayon sa Index ng Economic Freedom para sa 2016 na ipinalabas ng Heritage Foundation, think tank ng Amerika na nakabase sa Washington, D.C., naitalang nasa ika-29 na puwesto sa daigdig ang economic freedom ng Malaysia. Noong 2015, ang puwesto ng Malaysia ay ika-31.
Kumpara noong 2015, tumaas nang malaki ang ranking ng investment freedom at monetary freedom, at may kataasan din ang trade freedom, fiscal freedom, gastos ng pamahalaan at freedom from corruption. Samantala, pareho sa 2015 ang ranking ng financial freedom at property rights, at bumaba naman ang ranking sa business freedom at labor freedom ng bansa.
Sa kabilang dako, ang Hong Kong ng Tsina ay nasa unang puwesto; ang Singapore ay nasa ikalawang puwesto at ang New Zealand ay naitalang nasa ikatlong puwesto. Ang Pilipinas naman ay nasa ika-76 na puwesto, at mas mataas ito kumpara sa ranking sa 2015 na naitalang nasa ika-89 na puwesto.
Ang taunang Index ng Economic Freedom ay nilikha ng Heritage Foundation at Wall Street Journal noong 1995 para tasahin ang digri ng economic freedom ng iba't ibang kabuhayan ng daigdig.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio