Ang Ika-8 ng buwang ito ay Spring Festival o bagong taon sa Chinese lunar calendar: bilang pagdiriwang, idinaos nang araw ring iyon sa China Town ng Bangkok, Thailand, ang iba't ibang aktibidad.
Ang mga ito ay magkasanib na itinangkilik ng Ministri ng Kultura ng Tsina, at Ministri ng Turismo at Kalusugan ng Thailand.
Sa seremonya ng pagbubukas, Nagtanghal ang mga aritsta mula sa China Oriental Song and Dance Troupe samantalang dumalo naman sa pagtitipon sina Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn at Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ng Thailand. Ngayon taon ay ika-12 taon ng selebrasyon sa Bangkok na nasa magkasamang pagsasaguyod ng Tsina at Thailand.
salin:wle