Ipinahayag kamakailan ni Rizal Affandi Lukman, Pangalawang Ministro ng International Economic and Financial Cooperation ng Indonesia, na binabalak ng kanyang ministri na itatatag ang isang espesyal na komite sa buwang ito para pag-aralan ang mga bentahe at negatibong epekto ng pagsapi sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP).
Ang nasabing komite aniya ay bubuuin ng mga opisyal ng Sentral na Pamahalaan, dalubhasa, abogado at puno ng asosasyong komersiyal.
Aniya pa, pag-aaralan nila ang lahat ng mga nilalaman ng TPP at ihaharap ang mga mungkahi sa pamahalaan at parliamento para ipasya kung aling mga regulasyon ang kailangang isaayos.
Nauna rito, ipinahayag ng mga opisyal at mambabatas ng Indonesia na kung sasapi ang bansa sa TPP, kailangang susugan ang di-kukulangin sa 12 batas. Mahigit dalawang taon ang itatagal ng prosesong ito.