|
||||||||
|
||
Posibleng bakuna laban sa Zika, ilalabas sa 18 buwan: WHO
Ipinatalastas nitong nagdaang Biyernes, Pebrero 12, 2016 ng WHO na posibleng ilabas sa loob ng darating na 18 buwan ang Zika vaccines. Hinihikayat din nito ang mga buntis na ipagpaliban ang kanilang biyahe sa mga bansa't rehiyong apektado ng epidemiya ng Zika.
Idinagdag pa ng WHO na inaasahang makukumpirma sa darating na ilang llinggo ang posibleng kaugnayan sa pagitan ng Zika virus at microcephaly, depekto sa mga sanggol na may di-normal na maliit na ulo.
Paglaban sa Zika virus, pinalalakas ng iba't ibang bansa
Sa kasalukuyan, mahigit 30 bansa't rehiyon ang naiulat na apektado ng Zika virus, at pinakaapektado ang mga bansang Latin Amerikano at Aprikano. Pinalalakas ng nasabing mga bansa ang paglaban sa virus na ito. Ang pokus ng paglaban ay ang eliminasyon sa Aedes aegypti mosquito, carrier ng Zika virus.
Ipinatalastas kamakailan ng Brazil, sentro ng epidemiya ng Zika, ang gagawing pambansang kampanya para malipol ang Aedes aegypti mosquito sa 350 highly vulnerable cities ng bansa. Noong Nobyembre, 2015, ipinatalastas ng Brazil ang public health emergency dahil sa Zika.
Ang mga test tube na nakatago sa Salud Chacao Laboratory, Caracas, Venezuela. Larawang kinunan Feb. 10, 2016. (Photo credit: Xinhua)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |