Nakipag-usap kamakailan sa Jakarta si Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesya sa kanyang Thai counterpart na si Don Pramudwinai. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa pagpapahigpit ng pagtutulungan sa kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, turismo, kaligtasan ng pagkain at iba pa.
Ayon sa Ministring Pangkalakalan ng Indonesya, noong unang 11 buwan ng 2015, umabot lamang sa 12.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa, na mas mababa ng 13% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Anito, nakita ang nasabing pagbaba, mula noong 2012 at nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.