Pagpasok ng kasalukuyang 7-araw na bakasyon ng Pambansang Araw ng Tsina, ang Thailand, Singapore, at Indonesya ay nasa listahan ng 10 tourist destination na pinuntahan ng pinakamaraming turistang Tsino.
Ito ay ulat na ipinalabas kahapon ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina. Sa listahang ito, nasa ikatlong puwesto ang Thailand, ikawalong puwesto naman ang Singapore, at ikasiyam na puwesto naman ang Indonesya. Ang mga iba pang lugar sa listahan ay kinabibilangan ng Hapon, Timog Korea, Amerika, Maldives, Hong Kong, Macao, at Taiwan.
Salin: Liu Kai