Ayon sa ulat ng media ng Indonesya, ipinahayag kamakailan ni Joko Widodo, Pangulo ng bansa na may kompiyansa siyang makakaakit ng 20 milyong dayuhang turista ang Indonesya kada taon, sa susunod na 3 hanggang 4 taon. Sinabi ito ni Widodo sa paglalakbay-suri sa Raja Ampat sa panahon ng bagong taon.
Ang Raja Ampat ng Lalawigang West Papua, Indonesya, ay kilala dahil sa large lizard, at mayroon din itong gubat at mga magandang lugar para sa diving.
Pagkaraang pumasyal sa Pianemu Bay, isang kilalang lugar na panturista doon, sinabi ni Widodo na may 10 ganitong magandang lugar sa kanyang bansa. At maliban sa Indoensya, walang iba pang lugar na may large lizard sa buong daigdig. Kaya, may pag-aasang makaakit ng 20 milyong person time na dayuhang turista bawat taon.
Nauna rito, ipinahayag naman ni Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesya na umaasa siyang aabot sa 12 milyong persontime ang mga dayuhang turista sa Indonesya sa taong 2016.
salin:wle