TEKNOLOHIYA, MAKAKATULONG SA MGA MAHIHIRAP. Sinabi ni G. Bambang Susantono, Vice President ng Asian Development Bank for Knowledge Management sa isang panayam, na malaking tulong ang teknolohiya sa kalakal ng mga magsasaka spagaat digit na mapapahalagahan ang transparency. Magkakaroon umano ng empowerment ang mga nakararaming nais magkalakal. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si G. Bambang Susantono, ang Vice President for Knowledge Management and Sustainability ng Asian Development Bank na makakatulong ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-angat ng mahihirap na mamamayang mapapasok sa kalakal.
Sa isang panayam matapos ang kanyang talumpati sa pagbubukas ng sesyon sa inclusive business, sinabi ni G. Susantono na halos lahat ng mamamayan ay mayroong mga mobile phone at sa paggamit ng makabagong teknolohiya, matututo ang mga mangagalakal sa kahalagahan ng transparency. Makakakuha sila ng mas mataas na presyo para sa kanilang mga produkto.
Sa paggamit ng Information Communication Technology, magkakaroon ang mga mangangalakal ng iba't ibang paraan ng kalakal at kung paano magbigay ng angkop na presyo sa kanilang mga produkto.
Malaki ang potensyal ng Agribusiness sa Pilipinas. Mas maganda ang pagbibigay ng kaukulang poder sa mahihirap kaysa manatili sa dole out approach, dagdag pa ni G, Susantono.