|
||||||||
|
||
PINUNA ni Vice Presidential aspirant Senador Francis Escudero si Secretary Manuel Araneta Roxas II na kandidato sa pagka-pangulo sa kakulangan ng nagawa sa sariling lalawigan kahit pa napakalapit sa dalawang naunang naging pangulo ng bansa.
Sa isang press conference sa Roxas City, sinabi ni Senador Escudero na napakalapit din ni Secretary Roxas kay Pangulong PNoy Aquino na magtatapos sa panunungkulan sa Hunyo ng taong ito.
Ani Senador Escudero napakaswerte ng mga taga-Capiz sapagkat mahabang panahon ang pagiging malapit ni Secretary Roxas mula kay Pangulong Joseph Estrada, Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at maging kay Pangulong PNoy Aquino. Mahigit umano sa 15 taon ang pagiging malapit ni G. Roxas sa poder.
Ani Senador Escudero, sino mang congressman, senador o kalihim na mabigyan ng isang taong maging malapit sa pangulo ay 'di na makikilala ang lalawigan sa pagkakaroon ng kaunlaran.
Sinagot ni Senador Escudero ang tanong ng isang mamamahayag na mula sa Maynila at sinabi ni Secretary Roxas ang kanyang pinatutungkulan. Mas maganda umano kung mismong taga-Capiz na ang tanungin upang mabatid ang katotohanan. Kulang umano ang mga pagawaing-bayan, malinis na tubig na maiinom at maging maayos na pagbabahagi ng yaman.
Tumangging magbigay ng kanyang pahayag si Senador Grace Poe, ang katunggali ni Secretary Roxas sa panguluhan liban sa pahayag na makatitiyak ang mga taga-Capiz ng ibayong tulong sa ilalim ng kanyang liderato.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |