Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pang-rehiyong pagpupulong sa kalakal, sinimulan

(GMT+08:00) 2016-02-17 18:05:25       CRI

MAYROONG 400 mga delegado ang nagtipon sa Asian Development Bank mula kanina para sa tatlong araw na pulong hinggil sa Inclusive Business in Asia. May mga delegado mula sa Latin at South America upang magbahagi ng kanilang karanasan sa larangan ng kalakalan.

Sa talumpati ni G. Bambang Susantono, Vice President for Knowledge Management and Sustainability ng Asian Development Bank, 30% ng mga delegado ang kumakatawan sa mga kumpanya at may 19% ang mga malalaking mangangalakal na nagmula sa private sector.

Makikita umano ang interes ng madla hinddil sa inclusive business. Binigyang-diin ni G. Susantono na walang kabuluhan ang anumang kaunlaran kung mas maraming mamamayan ang nasasadlak sa pagdarahop at kahirapan.

Bago para sa Asian Development Bank ang inclusive business sapagkat sinimulan ng International Finance Corporation ng World Bank at Inter-American Development Bank ang kalakarang ito sa Latin America noon pa mang 2008.

Ang international Finance Corporation ay naglaan na ng $ 3 bilyon o 10% ng buong salapi nito at ginugugol bilang kapital ng may 600 inclusive business projects sa buong daigdig. May $ 420 milyon na ang nagastos ng IADB sa 60 kalakal.

Nagsimula ang Asian Development Bank noong 2012 at mayroon nang 14 na private sector deals na nagkakahalaga ng $ 360 milyon.

Mahalaga rin ang papel ng pamahalaan sa pagpapalakas ng pribadong sektor. Kausap na ng ADB ang apat na pamahalaan para sa posibleng inclusive business prokects nbilang bahagi ng mas malaking investments at policy loans. Ito, ani G. Susantono ang bagong uri ng public-private partnership mulasa tradisyunal na pagtustos sa pagawaing bayan.

Isang pag-aaral ang ginawa ng ADB sa Pilipinas at nabatid na mauyroon lamang 100 commercially-viable inclusive business models sa buong bansa. Sa 100, aabot lamang sa 15 ang maaaring tustusan sapagkat mayroong sapat na posibilidad na umunlad at mas malaking kita sa mga susunod na panahon.

Magtatapos ang pang-rehiyong pulong sa darating na Biyernes, ika-19 ng Pebrero.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>