Sinabi kahapon, Pebrero 16, 2016, ni Mah Siew Keong, Ministro ng Departamento ng Punong Ministro ng Malaysia, na dapat pahabain ng pamahalaan ng bansang ito ang kasalukuyang 9 na buwang visa free entry ng mga turistang Tsino para pasulungin ang pag-unlad ng industriya ng turismo.
Sa kasalukuyan, halos 1.7 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino sa Malaysia kada taon. Sinabi niyang ang target ng kanyang bansa ay pagpapataas ng nasabing bilang sa 8 milyong person-time kada taon sa loob ng darating na 10 taon. Kaya aniya dapat pahabain ang visa free policy para sa mga Tsino para hikayatin ang mas maraming turistang Tsino.