|
||||||||
|
||
Si Zhao Jianhua (Gitna) habang dumadalo sa ribbon-cutting ceremony ng "Kapistahan ng Tradisyonal na Kultura ng Pilipinas at Tsina"
Ayon sa China News Service, binuksan kagabi, Pebrero 22, 2016, sa Rizal Park sa Maynila ang Ika-16 na "Kapistahan ng Tradisyonal na Kultura ng Pilipinas at Tsina." Ito ay naglalayong ipaalam ang tradisyonal na kulturang Tsino sa mga Pilipino, at magkakasamang ipagdiwang ang Lantern Festival ng Tsina.
Mula noong 2001, idinaraos sa Maynila bawat taon ang "Kapistahan ng Tradisyonal na Kultura ng Pilipinas at Tsina" sa okasyon ng Lantern Festival. Ang kapistahang pangkultura ay magkakasamang itinaguyod ng Pamahalaang Panlunsod ng Maynila, Embahadang Tsino sa Pilipinas, at Philippine Chamber of Commerce.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Mayor Joseph Ejercito Estrada ng Maynila, na nitong 16 na taong nakalipas, ang naturang kapistahang pangkultura ay nagsisilbing taunang maringal na pangyayari para ipakita ang kultura ng Pilipinas at Tsina.
Pagkaraan ng pagtatanghal, nagpahayag si Zhao Jianhua ng pagbati at pasasalamat sa mga performers
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na ang pagtataguyod ng kapistahang pangkultura ay naglalayong palalimin ang mapagkaibigang damdamin at pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |